Friday , November 15 2024

Bagong director, bagong imahen ng NBI, tama?

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

KAPWA may espesyal na pagkakakilanlan sina Energy Secretary Raphael Lotilla at Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Monalisa Dimalanta.

Sila ang mga unang appointees sa pinakamatataas na posisyon sa sektor ng enerhiya na direktang konektado sa isang kompanya ng kuryente, partikular ang Aboitiz Power Corp., na board director si Lotilla habang chief legal counsel naman si Dimalanta.

Binigyan ng kapangyarihan para magrekomenda, magsuri, at magpawalang-bisa ng mga prankisa, umaasa tayong hindi nila makamit ang pagkakakilanlan bilang mga energy officials na pangunahing may pinapaboran, sa kasaysayan ng industriya.

*              *              *

Nailatag na ang marahil ay pinakamalaking pambansang budget para sa susunod na taon sa kabuuang P5.268-trilyon. Sa kabila nito, apat na specialty hospitals sa Quezon City – ang Lung Center of the Philippines, ang Philippine Heart Center, ang National Kidney and Transplant Institute, at ang Philippine Children’s Medical Center – ay tinapyasan ng pondo ng hanggang P880.7 milyon.

Kung sinasalamin nito ang ibinibigay na importansiya ng administrasyong Marcos sa mga pangunahing institusyong medikal, mistulang tinapak-tapakan ni ‘daddy’ ang panukalang inihain noong nakaraang buwan ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na layuning magtayo ng anim na satellite specialty hospitals sa norte na nagkakahalaga ng P5 bilyon.

*              *              *

Nanawagan si Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado, Jr. – pagkatapos ma-scam para mamigay ng P10,000 sa isang poser sa pamamagitan ng GCash – sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na agad aksiyonan ang naranasang panloloko.

Matagal nang nagrereklamo ang mga karaniwang tao tungkol sa call at text scamming na nagsulputan sa kanilang mga cellphone at digital spaces.

Pero ngayong mismong kasapi na ng Kamara de Representantes ang na-scam, isang tinig sa Kongreso ang nagsasabing ang call at text scamming ay isang seryosong problema na nangangailangan ng solusyon “as soon as possible.”

*              *              *

Hayagang tinututulan ng health reform advocate na si Dr. Tony Leachon ang rekomendasyon na gawin na lamang opsiyonal ang pagsusuot ng masks sa outdoor settings, binigyang-diin na delikadong mapalala nito ang pagkalat ng COVID-19 at iba pang mga sakit.

Paulit-ulit na iginigiit ng gobyerno ang ideya ng “new normal” na pamumuhay at ginagamit ang siyensiya bilang gabay sa paglaban sa pandemyang ito, pero ang pagbawi sa polisiyang nag-oobliga sa lahat na magsuot ng mask ay katumbas ng pagsasabing ang lahat sa bansa ay malaya nang lumabas ng bahay at magsama-sama nang walang anomang proteksiyong tumatakip sa kani-kanilang mukha.

Hindi ito pagdedesisyon na siyensiya ang pinagbasehan o kahit pa “new normal.” Ito ay simpleng kawalan ng matalinong pagpapasya sa kagustuhang makabalik sa normal.

*              *              *

Ngayong ganap nang nailuklok sa puwesto si Atty. Medardo de Lemos bilang director ng National Bureau of Investigation kasunod ng naunang kalituhan sa “senior” at “OIC” appointment ng kanyang hinalinhan, wala na dapat duda ngayon kung sino talaga ang nangangasiwa sa kawanihan mula sa itaas pababa.

Ang ibig bang sabihin nito na ang sobrang malusog na lalaki na ikinulong ninyo sa Security Management Division sa NBI Headquarters sa Maynila, at tinatawag nilang “mayores,” ay hindi na nangongolekta ng libo-libong buwanang bayarin mula sa mga kapwa bilanggo?  Nagtatanong lang po. *wink *wink*

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …