MATAGUMPAY na naisagawa ng Bureau of the Corrections (BuCor) sa pakikipag-
ugnayan sa University of Perpetual Help Dalta ang 33rd Commencement Exercise ng mga person deprived of liberty (PDL) sa Medium Security Compound, New Bilibid Prison Reservation, sa lungsod ng Muntinlupa .
Ang nasabing pagtatapos ay binubuo ng 84 PDL, ang 21 ay nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship Program.
Habang ang 63 PDL ay nagtapos sa Senior High School Program.
Binigyan-diin ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Deo Marco, ang BuCor ay patuloy na magbibigay ng pag-asa sa mga PDL sa iba’t ibang programa para sa kanilang repormasyon.
Aniya ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa mga PDL upang ito’y kanilang magamit hindi lamang sa kanilang sariling pag-unlad, bagkus, maging isang mabuting mamamayan pagdating sa araw ng kanilang paglaya.
Nagpapasalamat si BuCor Director General, Undersecretary Gerald Q. Bantag sa mga stakeholder na walang sawang sumusuporta sa programang repormasyon ng BuCor para sa mga PDL. (GINA GARCIA)