Thursday , January 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
MIcka Bautista photo

10 ‘pasaway’ sa Bulacan pinagdadakma

SUNOD-SUNOD na inaresto ang 10 katao na pawang may mga paglabag sa batas sa operasyong isinagawa sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Bulacan mula Linggo hanggang nitong Lunes ng umaga, 12 Setyembre.

Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO ang mga suspek na sina Jayson Garcia, alyas Ison, para sa kasong Lascivious Conduct, at Anthony Corporal, alyas Tone para sa paglabag sa Sec.5 (I) ng RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children.

Kasunod nito, dinakip dakong 2:45 am ang suspek na kinilalang si Arvin Paul Vallar, alyas Dagul, sa ikinasang drug buy bust operation ang mga tauhan ng San Rafael MPS sa Brgy. Tambubong, San Rafael, nakompiskahan ng apat na pakete ng hinihinalang shabu at marked money.

Gayondin, inaresto sa maagap na pagresponde ng mga tauhan ng Sta. Maria MPS ang suspek na kinilalang si Jaypee De Juan, 36, construction worker, sa kasong Frustrated Murder at Frustrated Homicide kaugnay sa insidente ng pananaksak sa Brgy. Bulac, Sta. Maria.

Nabatid na lasing ang suspek nang pagsasaksakin ang dalawang biktima na ngayon ay nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Samantala, sa isinagawang serye ng mga anti-illegal gambling operation ng mga tauhan ng San Jose Del Monte CPS sa Brgy. Minuyan Proper, at Bocaue MPS sa Brgy. Turo, pinagdadampot ang anim na indibidwal na naaktohan nagpapataya at tumataya sa ‘tupada.’

Nasamsam mula sa mga suspek ang mga manok na panabong, tari,  at perang taya sa iba’t ibang denominasyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …