Tuesday , December 24 2024
MMDA, NCR, Metro Manila

 ‘Tag,’ ‘alarma’ sa nahuling sasakyan tanggalin — MMDA

HINILING ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Land Transportation Office (LTO) ang pag-aalis ng ‘tag’ at ‘alarm’ ng mga sasakyang lumabag sa polisiya ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) kasunod ng ipinalabas na temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema na nagsuspende sa nasabing polisiya. 

Sa liham sa Stradcom Corporation, ang service provider ng LTO, sinabi ni  MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga III, ang malaking bilang ng mga may-ari ng mga sasakyan ay na-tag at inilagay sa ilalim ng alarma sa LTO sa ilalim ng NCAP ng MMDA na hindi maaaring mag-renew at/o ilipat ang pagpaparehistro ng kanilang mga sasakyang de-motor dahil ang awtoridad  ay hindi tumatanggap ng bayad sa mga multa na nakasaad sa violation, habang suspendido ang NCAP.

“Without violating the Supreme Court TRO and with the higher interest of public service, the MMDA hereby requests the Stradcom Corporation to temporarily lift the tagging and alarm of the affected motor vehicles under the MMDA’s NCAP,” saad sa liham ni Dimayuga.

Sa pamamagitan umano ng pag-aalis sa tagging at alarm ay maaari nang makapag-renew o mailipat ang registration sa LTO, aniya.

Binigyang-diin ni Dimayuga, ang kahilingan ay walang pagkiling sa pinal na desisyon ng Korte Suprema at ibabalik kapag pinagtibay ng High Tribunal ang legalidad ng MMDA NCAP.

Sakop din ng pansamantalang pag-aalis ng alarma at pag-tag ang mga may-ari ng sasakyan na hinuli ng MMDA NCAP ang mga hindi pa nakapagbabayad ng kanilang multa bago pa man naglabas ng TRO ang Korte Suprema sa polisiya noong 30 Agosto.

Simula nang ibaba ang TRO, agad sinuspende ng MMDA ang pagpapatupad ng NCAP kabilang ang pagkolekta ng multa ‘until further notice.’  (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …