PATAY ang isang sanggol na lalaki na hinihinalang nahulog at nalunod sa ilog sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Sa inisyal na ulat ni P/Cpl. Florencio Nalus, dakong 1:30 pm, nakatulog ang ina kasama ang biktima pero nang magising ay wala na sa kanyang tabi ang sanggol.
Kaagad hinanap ng ina ang kanyang sanggol at nagtanong-tanong sa mga kapitbahay na kanilang mga kamag-anak ngunit wala umanong nakakita sa biktima.
Kasunod nito, laking gulat ng ina nang makita niya ang biktima na nakalutang sa ilog sa dalampasigan ng Kahunari 1 St., Brgy. San Jose kaya agad humingi ng tulong sa kanyang pinsan.
Agad tumalon sa tubig ang kanyang pinsan at kinuha ang biktima saka mabilis na isinugod sa Navotas City Hospital (NCH) ngunit idineklarang dead-on-arrival ng attending physician dakong 3:00 pm. (ROMMEL SALES)