Friday , January 3 2025
dead baby

Nanay nakatulog  
SANGGOL NALUNOD SA ILOG

PATAY ang isang sanggol na lalaki na hinihinalang nahulog at nalunod sa ilog sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Sa inisyal na ulat ni P/Cpl. Florencio  Nalus, dakong 1:30 pm, nakatulog ang ina kasama ang biktima pero nang magising  ay wala na sa kanyang tabi ang sanggol.

Kaagad hinanap ng ina ang kanyang sanggol at nagtanong-tanong sa mga kapitbahay na kanilang mga kamag-anak ngunit wala umanong nakakita sa biktima.

Kasunod nito, laking gulat ng ina nang makita niya ang biktima na nakalutang sa ilog sa dalampasigan ng Kahunari 1 St., Brgy. San Jose kaya agad humingi ng tulong sa kanyang pinsan.

Agad tumalon sa tubig ang kanyang pinsan at kinuha ang biktima saka mabilis na isinugod sa Navotas City Hospital (NCH) ngunit idineklarang dead-on-arrival ng attending physician dakong 3:00 pm. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan wrap up 2024 with a heartfelt gift-giving and …

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Sen. Padilla, global experts push medical cannabis for cancer pain management

LEADING global cannabis expert Dr. Shiksha Gallow joined Senator Robinhood “Robin” Padilla in pushing for …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Honey Lacuna Yul Servo Nieto MMFF Manila

Mayor Honey, VM Yul nanawagan sa publiko na tangkilikin ang MMFF

NANAWAGAN sina Mayor Honey Lacuna and Vice Mayor Yul Servo sa publiko na tangkilikin ang …