Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sing Galing

Back to back to back na ganap at papremyo sa Sing Galing ngayong Setyembre

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

KASISIMULA pa lamang ng BER months dito sa Pilipinas pero ramdam na ramdam na ang Pasko dahil sa back to back na kantawanan at kaSINGyahan ang hatid ng Sing Galing ng TV5. Maraming sorpresa at papremyo ang hatid ng programa para sa mga kaawit-bahay ngayong Setyembre kaya’t dapat itong abangan.

Engrande ang maagang salubong sa Pasko ng Sing Galing dahil ipagdiriwang nila ang kaarawan ng nag-iisang Chief Sing-patiko, ang Jukeboss na si Ariel Rivera. At sa wakas ay makakasama na rin sa pakikipag-kantawanan sa Sing Galing Studio ang mga Kaawitbahay.

Masisilayan na rin ng lahat ang TikTok superstars na magiging bagong Singtokers, kasama sina Mark Daniel, Yanyan de Jesus, at Gab Pascual–ang mga gwapong online sensations na magdadagdag-kilig sa Sing Galing stage.

Pasabog din ang pagbabalik ng mga wildcard contestants na makikipag-Sing Galingan sa Sing Backbackan round. Ilan sa mga dating Singtestants ang papalaring bumalik para maging Singbacker at sila ay lalaban muli para sa pagkakataong maging Bida-Oke Star o mag-uwi ng siguradong premyo. Makakatapat ng Singbacker ang dalawang bagong singtestant at haharap din siya sa panibagong hamon ng kompetisyon, ang KANTA o KABAN! Bago i-announce kung sino ang kantanggal, papipiliin ang Singbacker kung magpapatuloy ba siya sa laban o pipiliing hanapin ang swerte sa kaban.

Simula pa lamang ito ng mga pasabog na sorpresa ng Sing Galing Nation sa pagpasok ng BER months. Kaya naman maghanda na sa pinaka-exciting at nakatutuwang back to back to back happenings sa Sing Galing tuwing Lunes, Martes, at Huwebes ng 6:30 p.m. sa TV5. Mapapanood naman ito ng international Kaawitbahays via TFC. Patuloy din ang kiddie invasion every Saturday ng 6:30 p.m. sa Sing Galing Kids, also on TV5.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …