KALABOSO ang dalawa katao nang maaresto sa ikinasang buy bust operation ng Taguig Police, nasamsaman ng higit P500,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay New Lower Bicutan, Taguig City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) Acting Director P/Col. Kirby John Brion Kraft ang mga suspek na sina Zenorin Midtimbang, alyas Jenorin, driver, 41, at Johari Candot Taup, 22, college student.
Ayon sa ulat, dakong 9:00 pm, 2 Setyembre 2022 nang makabili ang poseur buyer sa mga suspek, kasabay ng pagkakakompiska ng 29 plastic sachet ng shabu, boodle money, at isang genuine P1,000 bill.
Nasa 85 gramo ang kabuuang dami ng shabu na nagkakahalaga ng P 578,000.
Ang dalawang inaresto ay isinailalim sa inquest proceedings sa Taguig Prosecutor’s Office dahil sa paglabag sa sections 5 at 11 (pushing at possession) ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (GINA GARCIA)