Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kit Thompson Quinn Carrillo

Quinn walang isyu sa pakikipagtrabaho kay Kit  

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

EXCITED na si Quinn Carrillo na muling makatrabaho si Kit Thompson sa upcoming movie na Showroom sa ilalim ng produksiyon ng 3:16 Media Network at Viva Films. Isa si Quinn sa leading ladies ni Kit kasama si Rob Guinto

Unang nagkasama sina Quinn at Kit sa pelikulang Moonlight Butterfly pero si Christine Bermas ang leading lady ng aktor. Kaya naman looking forward na si Quinn sa mas maraming eksenang pagsasamahan nila ni Kit sa Showroom. Bukod sa pagiging lead actress, si Quinn din ang scriptwriter ng movie.

Wala ring isyu kay Quinn ang pakikipagtrabaho kay Kit sa kabila ng mga kinaharap na intriga ng aktor.

“Wala talagang isyu sa akin ‘yun. Kasi iba naman ang trabaho sa personal. Kung anuman ‘yung kinaharap na isyu ni Kit haharapin niya ‘yun personally. Kit will always be a good actor para sa akin at maayos siya katrabaho. Kung ang producers at direktor nga namin sa ‘Showroom’ ay nagtiwala sa kanya kaya ibibigay ko rin ang tiwala ko kay Kit sa movie na ito,” sabi ni Quinn.

Sa storycon at presscon ng Showroom kamakailan, inihayag ni Len Carrillo na tumatayong production unit head at producer ng pelikula na hindi siya nagdalawang-isip o nagkaroon ng apprehension na kunin si Kit.

“Hindi eh. Actually, first choice namin talaga siya,” bulalas ni Ms. Len. “Actually, may second movie na nga agad siya sa amin eh kung tatanggapin niya. The one with Adolf (Alix). Kasi si Kit magaling talaga iyan. Magaan pang katrabaho si Kit.”

Maging ang direktor na si Carlo Obispo ay maganda rin ang naging pahayag para kay Kit. “Noong malaman ko na kasama si Kit, ipina-block ko na agad ang schedule niya para malaman namin kung pwede na siyang makapag-lock-in (shooting). Excited na rin akong makatrabaho siya. Noong sinabi sa akin na si Kit, walang duda-duda. Gusto ko siyang makatrabaho.”

Aminado naman si Kit na na-touch siya sa mga narinig niyang mga papuri at magagandang pahayag tungkol sa kanya. Kaya pinasalamatan niya ang mga ito kasama na si Quinn sa tiwalang ibinigay sa kanya at sa oportunidad na makabalik sa showbiz. Ipinagdasal niya ito at thankful siya na ibinigay ito ng Panginoon.

Makakasama nina Quinn at Kit sa cast ng Showroom sina Emilio Garcia, Rob Guinto, Mon Mendoza, Marc Dionisio, AJ Oteyza, Paolo Rivero, Massimo Scofield, Itan Rosales, Nico Loco, Calvin Reyes, Richard Solano, Aaron Conception, Elmo Elarmo, at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …