Friday , November 15 2024
Face Shield Face mask IATF

Pagluwag sa paggamit ng face mask, hinihimay ng IATF

INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., masusi nang pinag-aaralan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang panukalang luwagan ang face mask rule sa bansa.

Ayon kay Abalos, kailangan nilang pag-aralang mabuti ang naturang panukala lalo ngayong patuloy pa rin ang laban ng bansa kontra CoVid-19.

Aniya, maaaring maglabas ang IATF ng desisyon hinggil sa isyu sa katapusan ng linggong ito.

Nanatiling tikom ang bibig ng kalihim sa pagbibigay ng detalye hinggil sa kanilang pagpupulong.

“Well number 1, as previously agreed with the IATF, kay Pangulong Digong hanggang ngayon, everything would be kept a secret until the final result,’’ ayon kay Abalos sa isang panayam.

Humingi rin ang DILG chief ng paumanhin dahil sa kanyang pagtanggi na magbigay ng detalye hinggil sa pulong ng IATF ngunit tiniyak na ang naturang isyu ay kanilang tinalakay at pinag-aaralan sa ngayon.

Samantala, inamin ni Abalos, nagkausap na silang muli ni Cebu City Mayor Michael Rama at sinabi rito na alam nilang maganda ang intensiyon nito.

Sinabi umano niya sa alkade na makukuha nito ang gusto basta’t aprobado ng IATF.

“Hindi ko maintindihan ‘yung sinasabi niya (Rama) e. Ayoko nang magkaroon ng miscommunication,” ayon kay Abalos.

“Just give me a few days. Let’s make a process here because if everyone will do as he wishes, baka magkagulo naman tayo. We respect autonomy of course but under the circumstances, we got the national law, we got the local law,’’ ani Abalos kay Rama.

Matatandaang ipinagpapatuloy ni Rama ang pagpapatupad ng non-obligatory na pagsusuot ng face mask sa kanilang lugar.

Una rito, inihayag ng DILG chief na pumayag si Rama, in principle, na ipagpaliban ang implementasyon ng naturang non-obligatory face mask rule hanggang hindi pa natatalakay sa IATF, ngunit pinabulaanan ito ng alkalde. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …