DERETSO sa kulungan ang magdyowang tulak makaraang kumagat sa buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City police ang mga naarestong suspek na sina Rhuven Daguplo, alyas Toto, 40 anyos, at Jennifer Espiritu, alyas Jen, 39 anyos, kapwa residente sa Bougainvillea St., Sitio Gitna Caybiga, Caloocan City.
Aabot sa P136,000 halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng pulisya sa buy bust operation.
Batay sa ulat ni P/Cpl. Christopher Quiao kay Valenzuela City police chief Col. Salvador Destura, Jr., dakong 10:20 pm nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/EMSgt. Restie Mables ng buy bust operation sa Lazaro St., Brgy. Ugong na isang undercover police ang nagawang makipagtransaksiyon ng P500 halaga ng droga sa mga suspek.
Matapos tanggapin ang marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng isang plasctic sachet ng shabu, agad lumapit ang back-up operatives saka inaresto ang mga suspek.
Nakompiska ang halos 20 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P136,000, marked money, P300 recovered money, at dalawang cellphone.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)