Monday , December 23 2024
road accident

Lolo patay, apo sugatan sa ambulansiya 

ISANG lolo ang binawian ng buhay, habang sugatan ang kanyang apong lalaki matapos mabangga ng ambulansiya ang sinasakyan nilang e-trike sa Hacienda Layagon Rd., Brgy. Lalagsan, sa bayan ng La Castellana, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Lunes, 5 Setyembre.

Kinilala ang biktimang si Emeterio Ordas, 72 anyos, residente sa naturang barangay.

Ayon kay P/MSgt. Polen Jabagat, traffic investigator ng La Castellana MPS, pauwi ang mga biktima sa kanilang bahay nang mabangga ng nasa likurang ambulansiyang minamaneho ni Jether Yutob, 44 anyos.

Dagdag ni Jabagat, maaring hindi napansin ni Yutob ang e-trike dahil madilim ang bahagi ng kalsada na kinukumpuni.

Dinala sa pagamutan si Ordas ngunit idineklarang dead on arrival.

Samantala, ayon kay Jabagat, pabalik na ang ambulansiya sa Isabela.

Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng ambulansiya habang inihahanda ang karampatang kasong isasampa laban sa kanya.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …