MA at PA
ni Rommel Placente
KAHIT hindi pa umaamin sina Darren Espanto at Cassy Legaspi na may namamagitan na sa kanila, o may relasyon na sila, patuloy pa ring naniniwala ang mga tagahanga nila na sila na nga.
Base kasi sa kanilang tinginan at body language kapag magkasama sila, very obvious na talagang may something na sa kanila.
Sa guesting nina Darren at Cassy sa Magandang Buhay, natanong si Darren tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Cassy at kung payag ba siyang makasama ang dalaga sa isang project pagdating ng panahon.
Sabi ng singer, gustong-gusto talaga nila ni Cassy na magkaroon ng bonggang collaboration in the future.
“Kami ni Cass we want to make a project kahit like kaming dalawa lang. Sa YouTube or something,” sey pa ni Darren.
At sa isang bahagi nga ng programa, diretsahan nang inusisa ang binata kung ano na ba talaga ang status ng relationship nila ng dalagang anak ni Carmina Villaroel.
Sagot ni Darren, “Kami po ni Cassy, we are very close. Best friends po kami so lahat talaga alam namin tungkol sa isa’t isa.
“At ang families namin ay parang sanay na parati kaming magkasama or lumalabas. Pero we aren’t taking anything serious din naman na masyado,” paliwanag pa niya.
O ‘di ba, deny pa rin si Darren?. Kahit nga si Zoren ay nadulas na sinabi niya na pumupunta sa bahay nila si Darren.