Tuesday , April 15 2025
Malabon Police PNP NPD

Binata binugbog, sinaksak
3 SA 4 SUSPEK ARESTADO SA MALABON 

NAGTAGUMPAY ang mga awtoridad sa isinagawang follow-up operation nang tatlo sa apat na mga suspek na sumaksak at nambugbog sa isang binata sa Malabon City ang kanilang nasakote.

               Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Ryan Frederick Calidro, 20 anyos, Sean Andrei Paragas, 18 anyos, at Rodrigo Caples, Jr., 22 anyos, pawang residente sa Brgy. Longso habang pinaghahanap ang isa pang suspek na si Leo Boy Arogante, 18 anyos.

Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Mardelio Osting at P/SSgt. Ernie Baroy, dakong 11:25 pm noong nakalipas na 2 Setyembre 2022 nang maganap ang insidente ng pananaksak sa biktimang si Ashly Del Mundo, 20 anyos, residente sa Talakitok St. Brgy. 22, Caloocan City sa kahabaan ng Hiwas St., Brgy. Longos.

Matapos ang insidente, mabilis nagsitakas ang mga suspek habang isinugod ang biktima sa Tondo Medical Center (TMC), kung saan patuloy na ginagamot sanhi ng mga saksak sa katawan.

               Sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Sub-Station 5 ng Malabon police sa pangunguna ni P/Lt. Archie Arceo, naaresto ang tatlo sa mga suspek sa Labahita St., Brgy. Longos.

Nang iharap ang mga naarestong suspek sa biktima, positibong itinuro ni Del Mundo si Calidro na isa sa mga sumaksak sa kanya habang sina Paragas at Caples ang mga nanakit. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …