Thursday , January 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Potchi

Kamay ng obrero nabali sa makina ng Pochi

NABALI ang buto sa kanang kamay ng isang factory worker makaraang kainin ng makina ang suot niyang guwantes sa loob ng pinagtatrabahuang pabrika ng candy sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Dinala sa Orthopedic Medical Center (OMC) sa Banawe St., Quezon City ang biktimang kinilalang si Marlon Policarpio, 28 anyos, residente sa Villa San Paolo Subd. Sta. Maria, Bulacan.

Sa pahayag ng biktima kay P/Cpl. Florencio Nalus, may hawak ng kaso, abala sila sa loob ng Columbia Candy Factory Corp., na matatagpuan sa Escoda St., Brgy. San Rafael Village, Navotas  City nang maipit ang suot niyang guwantes sa makinang kanyang pinamamahalaan.

Nakahingi ng tulong sa mga katrabaho si Policarpio

para dalhin siya sa pinakamalapit na pagamutan at kalaunan ay inilipat sa OMC sa Quezon City.

               Inasahan ng pamilya na sasagutin ng kompanya ang mga gastusin sa pagamutan lalo ngayong wala pang katiyakan kung makapagtatrabaho pang muli ang biktima sa pabrikang gumagawa ng sikat at paboritong Pochi. (ROMMEL SALES) 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …