SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
PUMIRMA na ng kontrata ang ultimate multi-media star, singer, TV host at actress na si Toni Gonzaga gayundin ang multi-awarded film director, scriptwriter at producer na si Paul Soriano sa Villar Group’s Advanced Media Broadcasting System Channel 2 (AMBS) noong September 1, 2022.
Ikinasiya at mainit ang naging pagsalubing ni Prime Asset Ventures na si Manuel Paolo Villar sa mag-asawa at iginiit na layunin bn kanilang network na itaas ang antas ng viewing experience ng mga Pinoy.
“AMBS aims to redefine the broadcast media industry with quality TV programs and exciting entertainment shows that will focus on giving our viewers new TV experiences,” ani Villar.
Bukod kay Villar dumalo rin sa pirmahan si AMBS President Maribeth Tolentino.
“We are happy about the partnership with Ms. Toni Gonzaga and Mr. Paul Soriano. Our team is raring to work with them to give our viewers awesome shows to always look forward to,” sambit naman ni Tolentino.
“You will be surprised with what we have in store for all of you,” susog naman ng aktres/host sa isinagawang pirmahan at ipinangakong makaaasa ang mga manonood ng mas malalim at interesadong talk show mula sa kanyang production.
Ang PAVI ang parent company ng AMBS, ang premiere broadcast media station ng Villar Group na ang layunin ay makapagbigay sa mga Filipino ng relevant TV program at best entertainment shows.
Sa pagpasok ng Villar Group sa broadcasting industry, dinala ng AMBS ang kanilang trademark sa pagbibigay ng maganda at maayos na experience tulad ng mga ginagawa at ibinabahagi na ng ia pang negosyo ng mga Villar tulad ng pabahay, retail o public utilities, at ngayon nga ang broadcasting.
At bilang parte ng kanilang grand opening, ang versatile Filipino TV host, comedian, singer, songwriter, actor, at businessman na si Willie Revillame na nauna nang pumirma ng kontrata sa TV network, ay magbabalik na sa national broadcast television l sa pamamagitan ng kanyang sikat na sikat na variety game show, ang Wowowin sa AMBS.
Kaya abangan ang pag-arangkada ni Willie sa AMBS.