Friday , November 15 2024
baby old hand

Fetus ibinalot sa plastic

BIGLANG NAGKAGULO ang limang kabataang naglalaro, nang makakita sila ng isang patay na sanggol na nakasilid sa isang plastic bag sa Navotas City kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni P/SSgt. Reysie Peñaranda, dakong 4:10 pm, masayang naglalaro ang mga batang mag-aaral sa Brgy. San Rafael Village, nang makatawag sa kanilang pansin ang isang plastic bag na may tatak ng isang bantog na department store sa kanto ng Encarnacion at Francisco streets.

Nagkaisa ang mga bata na bulatlatin ang plastic bag at dito sila pare-parehong nagimbal nang makita sa loob ng plastic bag ang may dugo pang fetus.

Kaagad sumugod sa San Rafael Village Barangay Hall ang mga bata upang ipabatid sa mga opisyal ng barangay ang natuklasan, na sila namang nagparating sa kaalaman ng pulisya.

Hiniling ng pulisya sa barangay ang kuha ng kanilang mga close circuit television (CCTV) camera sa naturang lugar matapos ang pakikipag-ugnayan sa Navotas City Action Command Center at sa Navotas City Health Office sa pagbabakasakaling matunton kung sino ang nagtapon ng patay na sanggol sa nasabing lugar. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …