Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

6 binitbit sa drug ops sa Malabon, Navotas

ANIM na hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang babae ang natiklo sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.

Ayon kay Malabon City police chief, Col. Albert Barot, dakong 2:00 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Halaan St. cor Hito St., Brgy. Longos na nagresulta sa pagkakaaresto kay Maribel Villa, 46 anyos, at Garry Camposani, 29 anyos, pintor, kapwa ng Caloocan City.

Ani P/MSgt. Randy Billedo, nakompiska sa mga suspek ang 1.5 gramo ng hinihinalang shabu, nasa P10,200 ang halaga at P500 buy bust money.

Sa Navotas City, dakong 10:00 pm nang matimbog ng mga operatiba ng SDEU ng Navotas police sa buy bust operation sa Bagong Silang St., Brgy., San Jose sina Lea Rodriguez, 45 anyos, fish vendor at Roniel Olivar, 22 anyos, parehong pusher/listed, mangingisda.

Nakuha sa mga suspek ang nasa 10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000, P500 marked money, at P300 recovered money.

Nalambat din ng kabilang team ng SDEU ng Navotas police sa buy bust operation sa M. Jose St., Brgy., Tangos North si Efipanio Adriano, 53 anyos, (pusher/listed), at Edralin Refuerzo, 40 anyos, fisherman.

Nakuha sa kanila ang nasa 5.5 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price P37,400, P300 buy bust money at P300 recovered money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …