Friday , November 15 2024
arrest, posas, fingerprints

3 DPs kalaboso sa P68K shabu, baril sa Valenzuela

BAGSAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang drug personalities (DPs) nang makuhaan ng baril at P68,000 halaga ng shabu sa isang buy bust operation sa Valenzuela City.

Kinilala ni P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang mga naarestong suspek na sina Jonathan Awud, alyas Tutan, 34, Ronie Diaz, alyas Nuno, 34, at Richard Rivera, 24, pawang residente sa Brgy., Mapulang Lupa.

          Sa report ni P/Cpl. Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief, Col. Salvador Destura, Jr., dakong 4:30 am nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/EMSgt. Restie Mables ng buy bust operation sa CF Natividad St., Brgy. Mapulang Lupa at nagawang makipagtransaksiyon ni P/Cpl. Noriel Boco na umakto bilang poseur buyer ng P500 halaga ng droga kay Awud at Diaz.

          Matapos tanggapin ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu, agad lumapit ang back-up operatives saka inaresto ang mga suspek ngunit pumalag si Awud at tinangkang tumakas.

          Hinabol si Awud ng mga operatiba hanggang makorner at maaresto habang dinakip din si Rivera matapos makuhaan ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

          Nakompiska sa mga suspek ang 10 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price P68,000, buy bust money, cellphone, P300 recovered money, isang kal. 38 revolver na may dalawang bala, belt bag at coin purse.

          Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang karagdagang kasong paglabag sa RA 10591 at Art 151 of RPC ang kakaharapin ni Awud. (ROMMEL SALES)

About Rommel Gonzales

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …