INILUNSAD ng mga pulis-Maynila sa pangunguna ni MPD Station 2 commander P/Lt. Col. Harry Lorenzo lll ang “Adopt A Student Program” na nagsimula sa 14 estudyante ng Isabelo Delos Reyes Elementary School na kabilang sa poorest of poor.
Ang 14 na estudyante ay mabibiyaan ng regular na monthly cash assistance at one-time school supplies, bag, at cash upang pabaon ngayong pagsisimula ng Balik Eskwela 2022.
Kasama ni P/Lt. Col. Lorenzo lll sina P/Lt. Henry Mariano ng Station Community Affairs Division; Isabelo Delos Reyes Elementary School Principal lV, Mrs. Eleodora B. Vergara; PCPs/Outposts commander, Imad Ammar, Chairman District Advisory Group; Mr. Edwin Fan, Chairman, Station Advisory Group, Member District at Station Advisory Council sa makabuluhang proyekto na malaking tulong sa mga kapos-palad na estudyante sa Tondo, Maynila.
Ito ay alinsunod sa programa ni NCRPO RD P/MGen. Jonnel Estomo na SAFE o Safe, Appreciated and Felt na dapat maging panuntunan ng mga pulis tungo sa mas epektibong serbisyo na ramdam ng mamamayan.
Base ito sa pagtitimon ni MPD Director P/BGen. Andre Dizon, na nagsusulong ng mga katangiang A-Approachable, P-Presentable, D-Dependable ang bawat pulis sa kanilang area of responsibility. (BRIAN BILASANO)