Sunday , December 22 2024
Benhur Abalos DILG PNP

Low conviction rate sa illegal drug cases ipinarerebyu ni Abalos

TINIYAK kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos, Jr., gumagawa sila ng mga hakbang upang tugunan ang low conviction rate sa mga illegal drug cases sa bansa.

“Noong pag-upo ko bilang Secretary, ‘yan agad ang binigyan ko ng pansin. Inuuna ko ‘yan,” ayon kay Abalos, sa panayam sa radyo at telebisyon.

Nauna rito, sa isang pagdinig sa Kamara kamakalawa, sinabi ni Philippine National Police (PNP) deputy chief for operations P/MGen. Benjamin Santos, ang conviction rate sa drug cases ay nasa maliit na 0.88 bahagdan.

Karamihan aniya sa mga kaso ay naibabasura dahil sa teknikalidad kabilang ang paghawak ng ebidensiya.

Sinabi ni Abalos, maraming kaso ang nadi-dismissed dahil sa kakulangan ng mga testigo.

Upang maiwasan ito, nanawagan si Abalos sa mga local government units (LGUs) na magtalaga ng Department of Justice (DOJ) personnel upang magsilbing witness.

Iminungkahi ni Abalos, ang pagkakaroon ng online hearing sa mga kaso, kung saan ang mga pulis ay hindi maaaring magtungo nang personal sa legal proceedings, dahil sa balidong rason.

Nagbabala rin siya na papatawan ng parusa ang mga pulis na mabibigong dumalo sa hearing nang walang balidong kadahilanan.

Idinagdag ni Abalos, dapat masusing bantayan ng mga awtoridad ang mga laboratory at forensic evidence upang matiyak ang conviction ng mga drug suspects. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …