SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
IBANG Julia Barretto ang makikita sa pelikulang nagpapatunay ng versatility ng Viva Prime Actress dahil gaganap siya bilang isang mamahaling hostess sa Angeles City. At para magampanan ang karakterni Candy kinailangan ni Julia na magtungo sa red light district para makakilala ng mga hostess.
Sa isinagawang face to face mediacon for entertainment editors para sa pelikulang Expensive Candy, ibinahagi ni Julia ang experience ng pagpunta nila sa mga club sa Angeles City. At sa isang club, nag-table ng hostess o ng mga nagtatrabaho sa club ang aktres para makakuha ng ilang tips at mainterbyu iyon para magampanang mabuti ang kanyang role sa pelikulang idinirehe ni Jason Paul Laxamana.
Pagbabahagi ni Julia, “I asked her some basic questions like paano ka ba usually nang aakit? And how do you carry on with the conversations kapag may gustong mag-table sa kanya and just wants company? Or what usually your conversations? And kapag it’s time to… kasi before ko siya itinable mayroong performance kasing naganap. Kaya tinanong ko lang what are the some basic movements, basic dance steps, kasi I really want to to take note and use it sa actual shooting. So just basic questions para lang ma-guide ako in executing the character.”
Hindi naman na umabot ang tanungan ukol sa kung ano ang ginagawa ng mga nagtatrabaho sa club kapag intimate moment with the customers. Ani Julia, si direk na ang nagbigay sa kanya ng mga dapat niyang gawin. “Each intimate moments may kanya-kanyang hinihingi, kanya-kanyang intentions, objective, may ibang… iba-ibang story ang ikinukuwento namin in each intimate scenes or moments,” katwiran ni Julia.
At nang matanong si Julia kung nakilala agad siya ng babaeng kinausap niya sa club, ito ang sagot ng dalaga. “She was shock at first and later on she was excited and really happy to help and she’s very generous with the knowledge that she really had the things they do there.”
Sinabi naman ni direk Jason Paul na, “Actually nahihiya siya noong una pero noong nakainom na ayun super kuwento na.”
“Ay yes yes you have to buy them a drink,” sabi naman muli ni Julia. “I bought her two glasses pure on the rocks iyon malakas, matapang, siya ang pumili ng drinks niya, and then she lossen up and when I asked her to show me some moves talagang wow! ang galing. Ang galing talaga and that really serves as an inspiration for me.”
Inesplika rin ni Julia na bago sila nag-bar hopping ay nakatatak na sa isip niya kung anong klaseng tao si Candy at iyon ang hahanapin niya sa makakausap na nagtatrabaho sa club. At nakita nga niya iyong katangian ni Candy sa isang trabahador sa club.
“Si candy mayroon na akong kumbaga parang nahulma ko na si Candy sa utak ko after ko binasa ‘yung script mayroon na tayong notion na ganito ‘yung galawan niya. Ingat ako sa galawan ni Candy and binuo ko ‘yun. At noong nakita ko siya physically, /‘yan ‘yung nasa utak ko talaga siya si Candy.
At nang makita nga nila si Candy siya iyong, “What she found interesting sa girl na ‘yun she was sure of herself, the confidence hindi siya ‘yung naiilang sa ganoong trabaho, empowered ‘yung dating. She chose this and she’s happy and proud of what she’s doing,” esplika naman ni direk Jason Paul.
“‘Yun ang nag-stand out sa akin, she really show how much she embrace herself of what she was doing,” giit naman ni Julia.