Monday , May 12 2025
suicide jump hulog

Japanese national tumalon mula 48/F nagkalasog-lasog

HALOS magkalasog-lasog ang katawan ng isang Japanese national na hinihinalang tumalon mula sa rooftop ng isang condominium na kanyang tinutuluyan sa Makati City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawing biktima na si Takaoka Shigeo, nasa hustong gulang.

Sa imbestigasyon ni P/EMSgt. Rico P. Caramat, ng Makati City Police Investigation Division, naganap ang insidente dakong 1:20 am sa swimming pool area ng ikaanim na palapag ng Beacon Tower sa panulukan ng Arnaiz at Chino Roces Avenue, Barangay Pio Del Pilar ng nasabing lungsod.

Ayon sa mga maintenance na sina Jover Ramos at John Gabriel, habang nagpapalit sila ng lock ng firehose cabinet sa ikaanim na palapag, nakita nila ang basa-basag na mga salamin.

Dito nila nakita ang lasog-lasog at duguang katawan ng biktima. kaya agad ipinagbigay alam nila sa mga awtoridad ang insidente.

Lumitaw sa imbestigasyon at base na rin sa CCTV footage, ang biktima ay nagmula sa rooftop ng naturang gusali na may 48 palapag.

Hinihinalang ang biktima y tumalon pabagsak sa swimming pool area.

Sa kaslaukuyan, patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente at ang motibo nito. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …