Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vicente Danao Reynaldo Samson Ampatuan Maguindanao

Danao nakiramay at nagpugay sa napaslang na hepe ng pulis sa Ampatuan Maguindanao

PERSONAL na nakiramay si Area Police Command Western Mindanao commander P/Lt. Gen. Vicente Danao, Jr., sa nauililang pamilya ng napaslang na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na si P/Lt. Reynaldo Samson, Chief of Police Ampatuan Maguindanao, na tinambangan ng armadong grupo nitong 30 Agosto 2022 sa Sitio Pasio, Brgy. Kapinpilan, Ampatuan, Maguindanao.

Ayon kay Danao, magsisilbi ng warrant of arrest ang grupo ni Samson nang tambangan ng mga suspek.

Kasalukuyang nagsasagawa ng manhunt operation ang pulisya laban sa mga suspek na kinilalang sina Commander Boy at Commander Abdulnasser Sabtula Guianid na sinasabing miyembro ng Karialan Faction ng mga terrorista.

Kaugnay nito, mariing nanawagan si Danao sa Local Government Units (LGUs) sa Mindanao na makiisa sa programa ng pulisya at militar sa kani-kanilang area of responsibility (AOR).

“Kung talagang gusto ninyong makamit ang minimithing kapayapaan sa inyong nasasakupan, kami po ay nananawagan nang lubos na pakikiisa at pagtutulungan para sa iisang adhikain para sa kapakinabangan at kapakanan ng ating mga kababayan,” pagtatapos ni Danao.

Nagpaabot ng tulong pinansiyal ang butihing APC WM commander para sa pamilyang naulila ni P/Lt. Samson at nangakong ibibigay ang hustisyang inaasam ng mga nauilila. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …