Thursday , May 15 2025

Vendors sa Maynila, nag-iiyakan na…

YANIG
ni Bong Ramos

HINDI lang nag-iiyakan kundi humahagulgol na ang mga vendor sa buong lungsod ng Maynila dahil umano sa sobrang higpit ng patakaran na ipinapataw sa kanila ng mga tauhan ni Punong Lungsod Honey Lacuna.

Karamihan ng mga nasabing vendor ay matatagpuan sa iba’t ibang kalye ng lungsod partikular sa Divisoria, Quiapo, Sta. Cruz, Recto, at Blumentritt.

Ang mga tauhan ni Mayora Lacuna na kanilang tinutukoy ay mula umano sa departamento ng DPS, MTPB, Hawkers, at Engineering department sa city hall.

Wala umanong habag o kaunting awa man lang sa pagkompiska ng kanilang mga kalakal na kapag daka’y inihahagis lamang sa kanilang sasakyang truck na naka-antabay sa mga lugar kung saan magkakaroon ng clearing operation.

Walang pakialam sa kanilang mga paninda, hindi alintana kung may mababasag, marurumihan, o masisira sa kanilang inihahagis na kalakal.

Isa pang idinaraing nila, sana naman daw magkaroon ng imbentaryo sa mga kinokompiskang paninda ngunit wala raw sa bokabularyo nila ang katagang ito dahil sa rami ng mga damontres ay wala man lang silang nakitang may hawak na ballpen.

Sa puntong ito, wala raw silang ibang remedyo kundi ang sumama ang loob at maghinagpis lalo na’t kulang-kulang na ang mga kompiskadong paninda at kadalasa’y hindi pa raw ito naibabalik.

Masyadong marahas ang kilos at aksiyon ng mga tauhan ni Mayora Lacuna, para bang hawak nila ang buhay ng mga vendor.

Natural lang at ‘matic’ na maski naman sino ay lalakas ang loob lalo na’t may blessing at basbas mmula sa kinauukulan lalo sa punong lungsod.

Wala na raw yatang konsensiya dahil siguradong alam nila na ipinangungutang ng mga vendor ang ipinaiikot nilang puhunan sa araw-araw para makaraos gaano man kataas ang interes.

Walang ibang bukang-bibig ayon sa mga vendor kundi Executive Order daw ni Mayora… NO VENDOR, NO PARKING sa buong lungsod at wala silang ibang magagawa kundi ang sumunod.

Matapos anila ang mahigit dalawang taon sa panahon ng pandemya ay ngayon lang daw sila naka-kaporma at medyo nakababawi dahil natigil na ang walang-kamatayang lockdowns na lubhang nag-pahirap nang husto.

Sana ay maunawaan at intindihin ang mga vendor na wala namang ibang pakay kundi ang maghanapbuhay para sa kani-kanilang pamilya.

Paano nga naman kung panindigan ni Mayora Lacuna ang kanyang executive order sa loob ng tatlong taon habang siya ang nakaupo?

Saan na nga kaya pupunta at saan nga kaya pupulutin gayong iyon na ang nagisnan nilang trabaho at hanapbuhay?

Harinawa’y mabigyan sila ng kaunting espasyong gagalawan at huwag ipagtabuyan na parang mga hayop…

HAVE MERCY!

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Kultura ng vote-buying

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NGAYONG tapos na ang eleksiyon, pag-usapan naman natin ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …