MAS palalakasin ang pagpapatupad ng Enterprise-Based Training (EBT) sa pamamagitan ng pagtaas at mas malalim na partisipasyon ng industriya at mga negosyo sa TVET, dahil ito ay magreresulta sa mas mataas na rate ng trabaho sa mga nagtapos kompara sa iba pang mga paraan ng mga pagsasanay.
Sinabi ni TESDA Director General Danilo P. Cruz, ang ahensiya, ang technical vocational education at mga pagsasanay ay mas nauukol ngayon habang ang bansa ay bumabangon mula sa pandemya.
Ang technical vocational education and training (TVET) ay ginagawa sa pamamagitan ng pakikipag- ugnayan ng ahensiya sa mga industriya na isang malaking bahagi ng TESDA system at iba pang uri ng edukasyon sa bansa.
Paliwanag ni Cruz, ang pagpapalakas ng pakikipagtulungan sa mga kasosyo sa industriya ay kabilang sa mga prayoridad ng ahensiya.
Lumalabas sa isinagawang survey, ang 2022 Study on the Employment ng TESDA ay nagpapakita ng average rate ng trabaho sa mga nagtapos sa TVET na sa huling limang taon ay 74.76 o mahigit 7 sa bawat 10 TVET graduates ang nakapagtrabaho.
Ang pahayag ng TTESDA ay kasunod ng isinagawang pagdiriwang ng ika-28 anibersaryo ng pagkakatatag ng ahensiya, may temang “Sulong sa Makabagong Trabaho.” (GINA GARCIA)