Friday , November 15 2024
fire sunog bombero

Sa Lanao del Norte
101-ANYOS GABALDON SCHOOL BUILDING TINUPOK NG APOY

NAGLIYAB hanggang tuluyang maabomula sa sumiklab na sunog nitong Miyerkoles ng madaling araw ang isang centennial school building sa bayan ng Lala, lalawigan ng Lanao del Norte, na tinatayang P19.7-milyong halaga ng ari-arian ang kasamang natupok.

Ayon kay SFO2 Jessie Cabigon, pangunahing imbestigador ng Bureau of Fire Protection – Lala Fire Station, nagsimula ang sunog sa Lala Proper Integrated School (LPIS) lagpas ng hatinggabi at naapula dakong 4:51 am kahapon.

Ani Cabigon, naabo ang 101-anyos Gusaling Gabaldon ng LPIS dahil sa lumang materyales na kahoy nito.

Ayon sa punong guro ng paaralan, pinipinturahan at ipinaaayos ang mga bubong ng gusaling may 10-silid aralan ngunit nananatili pa rin ang mga lumang suhay nito na gawa sa kahoy.

Nakatakdang kapanayamin nina Cabigon ang punong guro at iba pang mga saksi upang matukoy ang eksaktong halaga ng pinsala at kung ano ang posibleng pinagmulan ng sunog.

Samantala, nananawagan ang mga guro at tauhan ng paaralan sa mga sector na maaaring tumulong sa kanila upang mapunan ang mga nawala sa LPIS.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …