Wednesday , May 14 2025
Lagina PPO Police PNP

Sa Laguna
88 WANTED PERSONS TIKLO SA ONE-DAY POLICE OPS

ARESTADO ang 88 indibidwal, pawang nakatala bilang wanted persons sa isinagawang Simultaneous Implementation of Warrant of Arrest sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Laguna, nitong Martes, 30 Agosto.

Sa isinagawang Simultaneous Implementation of Warrant of Arrest ng iba’t ibang police stations sa Laguna, 34 arestado ay nakatalang most wanted persons sa Regional, Provincial at City/Municipal Level, kasalukuyang nasa kustodiya ng kanilang arresting units.

Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, OIC ng Laguna PPO, ang isa sa mga naaresto na si Jerrimy Granada, 46 anyos, residente sa Brgy. Loma, Biñan, nakatala bilang Rank No. 1 PRO4A Most Wanted Person.

Ikinasa ang joint operation ng Biñan CPS at RIU 4A-PIT Laguna Regional Intelligence Unit upang ihain laban sa suspek ang warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Jusi Rafa ng Biñan City Regional Trial Court (RTC)  Branch 154, may petsang 20 Hunyo, 2022.

Nahaharap ang akusado sa limang bilang ng kasong panggagahasa, rekomendado ng piyansang P200,000 bawat isang kaso.

Kasalukuyang nakapiit ang akusado sa Biñan CPS habang ang korte na naglabas ng warrant ay iimpormahan sa pagkaaresto.

Pahayag ni P/Col. Silvio, “Ang Simultaneous Implementation of Warrant of Arrest na isinagawa ng Laguna ay masusing pinagplanohan ng ating pulisya, kaya’t ipinagmamalaki ko ang Laguna police sa pagkahuli ng wanted persons sa lalawigan.Isang patunay na ang Laguna PNP ay nagtatrabaho para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ganoon rin ang kanilang  pamilya.” (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …