Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Quinn Carillo

Quinn Carillo malayo ang mararating bilang scriptwriter

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY bagong pelikulang gagawin ang 3:16 Media Network na Showroom. Bida rito sina Quinn Carrillo at Rob Guinto. Ang hahawak ng pelikula ay si  Carlo Obispo.

Sa story conference ng nasabing pelikula, tinanong si Direk Carlo kung anong masasabi niya sa script na ginawa ni Quinn, ang sagot niya, “Since scriptwriter din ako ‘di ba? Bilib na bilib ako, kasi first time kong nabasa ‘yung script ni Quinn.

“She’s a brilliant writer. She has so much potential.

“Even ‘pag nag-uusap kami, ‘pag nagbi-brain storming kami, medyo malayo-layo ang nararating namin. So I think, malayo ang mararating niya bilang isang scriptwriter,” papuri pa ni Direk Carlo kay Quinn.

In fairness, mahusay naman talagang scritpwiter si Quinn. Napanood namin ang dalawa sa isinulat niyang pelikula na Tahan, na bida si Cloe Barreto at The Influencer na bida naman si Sean de Guzman. And in fairness, ang ganda ng script niya, huh! 

Talagang nagustuhan namin ang istorya ng dalawang pelikula na isinulat niya. Upon watching Tahan at The Influencer, nasabi rin namin sa aming sarili na malayo ang mararating ni Quinn bilang isang scriptwriter. Pwede talaga siyang makilala bilang isang mahusay na scriptwriter balang araw, gaya ni Ricky Lee.

Pero sa kabila ng pagiging mahusay na scriptwriter ni Quinn, gusto pa rin niyang dumalo sa scriptwriting workshop para lalo pang mahasa ang nalalaman niya sa pagsulat ng isang pelikula.

Samantala, masaya naman si Quinn na si Direk Carlo ang kinuhang direktor ng Showroom. Matagal na kasi niya itonig kilala, at hanga rin siya rito bilang isang direktor.

“Malaki po ang tiwala ko kay Direk Carlo. Nakakatawa po kasi ‘pag nag-uusap kami siya po ang hindi ready na magsi-sexy ako. Kasi naaalala niya niyong Belladonas (girl group na isa si Quinn sa member) pa kami. It’s all about naman the trust of your co-actors, and the director,” sabi ni Quinn.

Sunod-sunod ang paggawa ng script ni Quinn. Hindi ba siya nauubusan ng idea, o iniisip sa pagsulat ng pelikula?

“Ubos na. Tumatanggi na ako ngayon,” birong sagot ni Quinn na natatawa.

Sana magtuloy-tuloy (ang paggawa niya ng script).Pero baka next year na.”

May tatlong script pa kasing gagawin si Quinn this year. Kaya nasabi niya na baka next year na ulit siya gumawa after ng tatlo pang gagawin niya mula sa 3:16 Media Network.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …