Friday , November 15 2024
Man Hole Cover

Pulis, 3 pa naaktohang nagnanakaw ng kable ng PLDT sa manhole

DINAKIP ang isang pulis na nakatalaga sa Eastern Police District (EPD), kasama ang tatlong kasabwat nang maaktohang ninanakaw ang mga kable ng PLDT sa manhole ng Barangay Krus na Ligas, Quezon City, nitong Martes ng madaling araw.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) P/BGen. Nicolas Torre III, ang mga suspek na sina Pat. Francis Arcenas Baquiran, 27, nakatalaga sa EPD at naninirahan sa Abbey Road, Bagbag Novaliches, QC; Ivan Fritz Sacdalan Valtiedaz, 26, binata, BS Criminology student, at residente sa Quirino Highway, Brgy. Talipapa, Novaliches, QC; Richard Carbajal Repal, 32, construction worker, residente sa Upper Banlat, Brgy. Tandang Sora, QC; at Nedrick Santos Suing, 25, Sales Assistant sa Uratex, nanunuluyan sa Australia St., Upper Banlat, Tandang Sora, QC.

Sa report ng Quezon City Police District – Anonas Station (QCPD-PS9), bandang 1:50 am nitong Martes, 30 Agosto, naaktohan ang pagnanakaw ng mga suspek sa PLDT manhole sa C.P. Garcia Ave., malapit sa Baluyot Basketball Court, sa Brgy Krus Na Ligas, sa lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni P/CMSgt. Rodolfo Ramos Jr., dakong 1:00 am, nagsagawa ng “One Time Big Time” operation ang mga operatiba ng Anonas Police Station na sina P/Cpl. Jacky Dela Peña, P/Cpl. Mardie Edden Paulino, P/Cpl. Nathaniel Gatchalian, at Pat. Verlin Gelig, kasama ang Security Officers ng PLDT na sina SG Ildefonso Bernadas Jr., SG Judith Delos Santos Catembung, Lorante Bacala Abarra, at Jose Rollo Rodeo Jr., pawang taga-Saint Claire Security Agency.

Ang operasyon ay bunsod ng reklamo ng PLDT Corp., kaugnay sa mga nagaganap na pagnanakaw ng kanilang mga kable.

Naaktohan ng mga operatiba ang ginagawang pagnanakaw ng mga suspek ng PLDT copper cable sa manhole sa nasabing barangay at sila’y inaresto.

Nasamsam mula sa mga suspek ang ninakaw na 100 PLDT Cooper cable 3000 pairs x 26 gauge, isang Taurus Banbridge GA G3c 9×19 Cal. 9mm with serial No. ACA47683, loaded ng pitong bala, at dalawang Canik magazine caliber 9mm na may siyam na bala, pag-aari ng naarestong pulis-EPD.

Ang ninakaw na mga kable ay isinakay sa kulay puting Foton wing van, may plakag NCX 3882, nakarehistro sa pangalang Grace Obrero Martinez ng Santa Rosa, Laguna.

Inihahanda ang mga kasong pagnanakaw at paglabag sa Republic Act (RA) 10591 o Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act laban sa mga suspek. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …