Friday , November 15 2024
PAGCOR online sabong

Pananim mabubulok na
E-SABONG BAN INIINDA NG ISABELA FARMERS

INIINDA ng mga magsasaka sa Echague, Isabela ang patuloy na iniinda ang matinding krisis dulot ng suspensiyon sa online cockfighting o e-sabong.

Isa sa mga magsasaka si Jay-ar Dagman, dating nakikinabang sa operasyon ng e-sabong, ang nagsabing malubha ang naging epekto ng pagpapatigil ng online sabong sa kanyang monthly income.

“Bumaba po at mahina po ‘yung demand ng mais [dahil sa suspensiyon ng e-sabong]. Walang kumukuha sa amin,” sabi ni Dagman sa isang panayam.

“Mahirap kasi mahal ‘yung mga bilihin tulad ng mga abono na ginagamit namin para lumaki ‘yung mga mais namin. Bumababa ‘yung demand nila,”  dagdag niya.

Nababahala rin ang magsasaka sapagkat inaasahang bababa ang presyo ng animal feeds sa merkado dahil sa pagbaba ng demand.

“Pababa ‘yung presyo ng mais gawa ng kakaunti ‘yung demand ng mais. ‘Yung mga kakain sana e, nakukulangan,” aniya. “Para maibenta na agad at mahabol namin ‘yung presyo kasi bababa pa ‘yan.”

Samantala, problema rin ang posibilidad na mabulok ang mga ani kung hindi ito ipagbibili sa kahit murang halaga.

Mayo nitong taon nang ipag-utos ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapahinto sa mga operasyon ng e-sabong sa buong bansa.

Sa kasagsagan ng e-sabong, una nang naiulat na mayroong P650 milyong revenue loss kada buwan ang PAGCOR mula sa gamefowl industry.

Hindi bababa sa P1.37 bilyon ang nakolekta mula sa pitong lisensiyadong e-sabong operators mula Enero hanggang Marso 2022. Sa pagbabawal sa e-sabong, inaasahan ng PAGCOR ang P5 bilyong revenue loss ngayong taon.

Nangangamba si Dagman sa posibilidad ng unti-unting pagbagsak ng kanyang kabuhayan.

“Kung magpapatuloy ito kawawa kami, dapat sana mas marami ‘yung katulad ng baboy para tumaas naman presyo ng mais namin,” diin ng magsasaka.

“Last year po kasi marami ‘yung mga kumakain na baboy at manok, e ngayon kaunti na lang ang pinapakain, mga baboy na lang,” aniya.

Ang pagbabawal sa operasyon ng e-sabong ay patuloy na iniinda ng iba’t ibang negosyong konektado sa gamefowl industry. Tinatayang nasa 3.2 milyong Filipino ang nawalan ng kabuhayan dulot nito.

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …