Monday , November 25 2024
P53.31-M drug shipment nasabat ng NAIA inter-agency team

P53.31-M drug shipment nasabat ng NAIA inter-agency team

ISANG shipment mula sa Nigeria, naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga, ang nasakote ng isang team mula sa Bureau of Customs (BoC) Port of NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Plant and Industry (BPI) at NAIA-Inter Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) mula sa isang lugar sa San Andres, Maynila.

Sa ulat ng BoC Port of NAIA, hindi kukulangin sa 8.575 kilo ng ilegal na droga, tinatayang nagkakahalaga ng P53.31 milyon ang itinago sa mga pakete ng sari-saring pinatuyong pampalasa na idineklarang “food stuff.”

Bago ito, lumabas sa pagsusuri, sa saklaw ng mga dokumento sa importasyon, napag-alamang ang shipment ay ilegal na angkat dahil hindi nakapagpakita ng mga kinakailangang permit mula sa DA-BPI.

Bunga nito, agad nakipag-ugnayan ang BoC-NAIA at BPI sa PDEA at NAIA-IADITG upang ikasa ang operasyon at matukoy ang posibleng pinagmumulan ng kuwestiyonableng shipment.

Nang sumailalim sa 100% physical examination ang kargamento, natuklasan ng mga operatiba ng joint inter-agency units na ang pakete ay naglalaman din ng 8.575 kilo ng white crystalline substance sa loob ng puting plastic bowl na nakatago sa mga pakete ng iba’t ibang pinatuyong pampalasa.

Sa pamamagitan ng PDEA Field Test, nakompirma na ang white crystalline substance ay shabu.

Nasa kustodiya ng PDEA ang mga ilegal na droga para sa karagdagang imbestigasyon, profiling, at case build-up laban sa mga sangkot na personahe.

Ang pagsisikap ng mga nasabing ahensiya ay alinsunod sa mga direktiba ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, bilang bahagi ng marching order ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na pigilan ang pagpupuslit ng droga at tiyakin ang pagpapatupad ng epektibong hakbang upang proteksiyonan ang hangganan laban sa drug syndicates. (RR)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …