Monday , May 5 2025
Dragon Lady Amor Virata

Traffic enforcer dahilan ng mas masikip na trapik

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

BUWISIT na buwisit ang mga pasahero at mga drayber ng pampubliko at pribadong mga sasakyan sa kahabaan ng Muzon d’yan sa San Jose del Monte City of Bulacan, dahil kapag may naka-duty na traffic enforcers ay mas lalong bumibigat ang daloy ng mga sasakyan!

Samantala ‘pag wala umanong traffic enforcer ay hindi nakababahala dahil tuloy-tuloy ang pag-usad ng mga sasakyan.

Ang daan patungong Poblacion ng San Jose del Monte, at daan paliko papuntang Sta. Maria, Bulacan at daan papunta ng Tungko ay labis na apektado ng trapik sa intersection ng Brgy. Muzon.

Dapat siguro ay magkaroon ng signal (traffic) light na may bilang para hindi napeprehuwisyo ang mga sasakyan at madaling makakarating sa kanilang destinasyon.

Idagdag pa ang sira o baku-bakong kalsada sa harap ng Muzon Public Market na kung ikaw ay sakay ng motorsiklo, posibleng semplang ang disgrasyang aabutin ng drayber.

Mukhang nagbubulag-bulagan ang mga opisyal ng pamahalaang lokal ng SJDM?!

Dahil ang nasabing intersection Road sa Brgy. Muzon ay sakop ng nasyonal, sakop ito ni Congresswoman Rida Robes! Misis ito ng kasalukuyang Alkalde Arthur Robes!

Sana naman huwag puro pagpapayaman Meyor!

Maliit na problema aksiyon agad ang kailangan!

Subukan kaya ninyong dumaan ang sasakyan ninyo meyor & congresswoman para maranasan at makita ninyo ang binabanggit kong problema.

Kaya lang dahil alam ng mga traffic enforcer na daraan ang sasakyan mo, timbrado na ‘yan!

Dapat suprise visit!

PABRIKA NG TOFU

NO BUSINESS PERMIT

Walang business permit at naglawa pa ang mga waste materials mula sa isang pabrika ng tofu o tokwa na nandyan sa Hobbies of Asia sa Macapagal, lungsod ng Pasay.

Ayon sa aking impormasyon, inaksiyonan ng Health Office ng lungsod ang reklamo, agad nagpunta ang mga tauhan ng Sanitary Environment, at nagsagawa ng inspeksiyon, totoo nga ang reklamo!

Ipinatigil umano ang nasabing pagawaan ng Tofu, pero teka… sa gabi raw ay tuloy ang operasyon!

Nabatid din na mga Intsik ang nag-o-operate ng nasabing pagawaan ng Tofu at walang kaukulang papeles mula sa Bureau of Immigration… ALIEN?

Magkano kaya ang tinatanggap na suhol ng tauhan ng BID? Sigurado meron ‘yan!

At sa kawalan ng Business Permit, ayaw ni Mayor Emi Calixto ng ganyan! ‘Di umano may binibigyang kawani ng BPLO.

Dapat imbestigahan ito ni Mrs. Pardo, ang BPLO Chief sa lungsod ng Pasay!

Mam, paki-imbestigahan namanm!

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Nelson Ty kay Isko: Yes, let’s make Manila great again!
“TAGUMPAY NI ISKO, PANALO NG MAYNILA!”

SIPATni Mat Vicencio ITO ang pahayag ni dating Barangay Chairman Nelson Ty, tumatakbong konsehal ng …

Firing Line Robert Roque

Makaka-jackpot ba uli ang mga Pineda?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. TULAD ng nangyari na sa Pasig City, pinatunayan ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Imee, Camille, laglag sa endorsement ni Digong

AKSYON AGADni Almar Danguilan TABLADO kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sina senatorial candidates Senator Imee …

Firing Line Robert Roque

Tara, PNP, pustahan tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAHIRAP paniwalaan ang patuloy na paninindigan ng Philippine National …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hustisya sa kuwaresma hatid ng PNP sa pamilya Que-Pabilio

AKSYON AGADni Almar Danguilan TUWING kuwaresma ang lahat ay nagpapahinga, nagbabaksyon, nagninilay, etc…dahil walang pasok …