Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhen Escano

Rhen Escano pursigido, gustong mapatunayan ang pagiging aktres

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGING mapili pala si Rhen Escano sa mga proyektong ginagawa niya sa Viva Films kaya madalang siyang mapanood sa napakaraming pelikulang ginagawa ng kanyang mother studio.

Sa media conference para sa pelikulang Secrets of a Nympho, nasabi ni Rhen ang dahilan ng madalang na paggawa ng pelikula. At dito’y hindi niya napigilan ang hindi maluha.

“Pinipili ko talaga kasi ang projects na ginagawa ko. Ayoko nang umuulit, doing the same material. I want viewers to see na iba-iba ang ginagawa ko at hindi ‘yung parang nakakahon lang ako,” ani Rhen.

At nang magsasalita pa ay doon na naluha ang dalaga at saka sinabi ang, “Sana mabigyan naman ako ng chance na makita ng tao na may iba akong talent na puwede kong gawin.

“My career is so important for me, so I want to make sure na may positive na mangyari rito. Lahat ng networks, napagdaanan ko na. Umabot nga sa point na ayoko na. Nagiging emotional ako kapag pinanghihinaan ako ng loob kasi I really want to prove myself as an actress,” giit ni Rhen.

Nang matanong naman siya sa kanyang dream roles sinabi niyang, “Lagi kong sinasabi na gusto ko ‘yung parang ‘Gone Girl’, very challenging ‘yung scheming character played by Rosamund Pike kasi she framed up her own husband, si Ben Affleck.

“Feel ko gawin ‘yung ganoong material, kaya tinanggap ko itong series na ito, ‘Secrets of a Nympho’, kasi ganitong type ang gusto kong gawin. I really want to grow as an actor,” sambit pa ni Rhen.

Ang Secrets of a Nympho ay 8 parts sexy thriller series na isinulat ni Philip Neri at idinirehe ni Shugo Praico ng Rein Entertainment. Makakasama rin dito sinaAyanna Misola, Arron Villaflor, Gold Aceron, Josef Elizalde, Jeric Raval, Andrea Garcia, Milana Ikimoto, Tiffany, Sheree, at Stephanie Raz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …