PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
MASAYA ang Oh My Korona star na si Maja Salvador dahil isa siya sa tatanggap ng recognition sa Asia’s Pinnacle Awards 2022, isang Filipino award-giving body na kumikilala sa mga successful people in business.
Talaga namang successful ang Majestic Superstar ng TV5 dahil bukod sa bongga niyang showbiz career ay isa rin siyang kahanga-hangang businesswoman dahil sa Crown Artist Management (CAM), ang talent management agency niya na pinamamahalaan nila ng fiance niyang si Rambo Ortega Nuñez.
Isa sa malalaking proyekto ng CAM ay ang pag-produce nito ng pinagbibidahang sitcom ni Maja na Oh My Korona na kasalukuyang umeere sa TV5.
Patuloy na nagbibigay saya si Maja at ang kanyang mga kasama rito gaya nina Joey Marquez at RK Bagatsing. Isa na namang kuwelang episode ang umere noong nakaraang Sabado na balak nang ibenta ni Lablab (Maja) ang Korona Residences at habang naglilinis ay sinabihan niya si Emy (Queenay) na tanggalin ang mga kahon. Pero narinig ito ni Gerry (Pooh) at inakala na may paaalisin si Lablab sa Korona Residences. Halo-halong mga nakatatawang eksena ang naganap sa mga karakter kaya nakakwiwiling subaybayan ang sitcom na ito.
Directed by Ricky Victoria, ang Oh My Korona ay mapapanood tuwing Sabado, 7:30 p.m. sa TV5.