NADAKIP ang tatlong nakatala bilang high value target (HVT) sa ikinasang anti-drug operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa lungsod ng Pasig nitong Sabado ng hapon, 27 Agosto.
Kinilala ni P/Col. Celerino Sacro, Jr., ang mga arestadong suspek na sina Mohaimen Rangaig, 26 anyos; Mate Makebel, 33 anyos, kapwa nakatira sa No. 683 R. Castillo St., Brgy. Kalawaan, sa lungsod; at Isabel Tobosa, 26 anyos, ng Blk. 5 Lupang Arienda, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal.
Nakompiska mula sa mga suspek ang 13 transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 800 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P5,440,000; digital weighing scale; P1,000 drug money; at P33,000 boodle money.
Nasakote ng mga operatiba sa pamumunio ni P/Lt. Kenny Khamar Khayad, hepe ng Pasig Police Station Drug Enforcement Unit, at P/EMSgt. Romeo Taguilan sa anti-drug operation ang mga suspek matapos bentahan ng droga ang mga operatiba sa nabanggit na lugar.
Nakatakdang sampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang tatlong nadakip na HVT sa Pasig Regional Trial Court. (EDWIN MORENO)