Sunday , November 17 2024
road accident

Motorsiklo sumalpok sa kotse
RIDER, ANGKAS TODAS

BINAWIAN ng buhay ang isang rider at ang kanyang angkas makaraang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang kotse sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo ng madaling araw, 28 Agosto.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Rodolfo Santiago ll, hepe ng Tanay MPS, kinilala ang mga biktima na sina Jonvy Balato, driver, at angkas niyang si Angeline Evangelista, kapwa idineklarang dead on arrival sa Tanay General Hospital.

Nabatid na magkaangkas sa MC Euro 150 ang mga biktima nang sumalpok sa isang kotseng minamaneho ni Genesis Domasig dakong 3:10 am, kahapon, sa Brgy. Tandang Kutyo, sa nabanggit na bayan.

Sa lakas ng pagsalpok, tumilapon ang mga biktima mula sa motorsiklo na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng lokal na pulisya si Domasig para sa naangkop na disposisyon. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …