Friday , November 15 2024
Quezon City QC
Quezon City QC

7 pusher huli sa buy bust sa Kyusi

INARESTO ng mga awtoridad ang pitong tulak matapos makompiskahan ng P204,000 halaga ng shabu sa magkakahiwalay na ikinasang buy bust operations sa Quezon City, Sabado ng gabi.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Nicolas Torre III, unang nadakip ng mga operatiba ng Holy Spirit Police Station (PS 14), na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Alex DJ Alberto, ang mga suspek na sina Glessie Romitnan, 40; Richard Marcos, 40, kapwa residente ng Brgy. Pasong Tamo; William Adriano, 24; Laurence De Guzman, 25, at Reymar Bulacan, 24, pawang nakatira sa Brgy. Holy Spirit, QC.

Ang limang drug suspects ay naaresto sa buy bust operation na isinagawa ng mga operatiba ng PS 14, bandang 10:50 ppm, 27 Agosto sa Ramos Compound, Philand Extension, Brgy. Pasong Tamo, sa lungsod.

Nakompiska sa mga suspek ang aabot sa 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000 at buy bust money.

Samantala, nadakip ng mga operatiba ng Galas Police Station (PS 11), sa pamumuno ni P/Lt. Col. Richard Ian Ang, ang mga drug suspect na sina Mark Leyner Clocar, 32, residente sa Brgy. San Francisco, General Trias, Cavite City, at Fatima Somagomba, 32, ng Brgy. 648, Quiapo, Maynila.

Ang dalawa ay naaresto sa hiwalay na buy bust operation ng PS 11 bandang 11:30 pm, 27 Agosto, sa Quezon Ave., corner R. Familara, Brgy. Tatalon, at nakopiskahan ng higit sa 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.

Inihahanda ang kasong paglabag sa R.A. 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga nabanggit na suspek.

“I express my appreciation to the unyielding hard work in conducting operations against illegal drugs of PS 11 and PS 14 operatives, which led to the successful arrest of the suspects and the seizure of the pieces of evidence. May this accomplishment serve as a warning to those other drug suspects who continuously engage in drug-related activities,” pahayag ng QCPD chief. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …