Thursday , January 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

2 tulak timbog sa Laguna P14-K shabu nasamsam

NASAKOTE ng mga awtoridad sa ikinasnag anti-illegal drug buy bust operation ang dalawang hinihinalang mga tulak sa lungsod ng Calamba, lalawigan ng Laguna, nitong Sabado, 27 Agosto.

Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, Officer-In-Charge ng Laguna PPO, ang mga suspek na sina Eduardo Obias, alyas ​​Jun, 42 anyos, walang trabaho, at residente sa Brgy. Turbina; at Greymond Salum, alyas ​​Grey, 39 anyos, walang trabaho, at residente sa bBrgy. Lecheria, parehong sa nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng Calamba CPS, naaresto ang mga suspek dakong 2:25 pm kamakalawa sa Purok 6, Brgy. Parian, sa naturang lungsod.

Nasamsam mula kay Obias ang isang heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu; apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang coin purse; P500 buy bust money; at P400 drug money.

Samantala, nakompsika mula kay Salum ang isang sachet ng hinihinalang shabu; at P1,000 drug money.

May kabuuang timbang ang narekober na hinihinalang shabu na 2.2 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P14,960.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang mga naarestong suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang isusumite ang mga nakalap na ebidensiya sa Regional Crime Laboratory Office 4A para sa forensic examination.

Pahayag ni P/Col. Silvio, “Walang lugar sa Laguna ang mga illegal drug traders. The Laguna PNP and the Lagunense are united to fight against illegal drugs, we will exert our best efforts to achieve a drug free Province.”

Ani P/BGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., “Pinapupurihan ko ang pagsisikap ng ating mga pulis sa Calamba CPS sa mga operasyong ito. Patuloy nating paiigtingin ang ating mga operasyon laban sa ilegal na droga upang mapuksa ang paglaganap nito sa lalawigan ng Laguna.” (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …