Friday , November 15 2024
itak gulok taga dugo blood

Mag-ama nagsabwatan
KAPITBAHAY PINATAY SA AWAY-LUPA

HINDI nakaligtas sa itak ng kamatayan ang isang lalaking pinagtulungang pagtatagain ng mag-amang kapitbahay dahil sa away sa lupa sa Purok Cadena de Amor, Brgy. San Isidro, bayan ng Pontevedra, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Miyerkoles, 24 Agosto.

Kinilala ni P/Lt. Rowell Peniero, deputy chief ng Pontevedra MPS, ang biktima na si Eric Galope, 37 anyos, at mga suspek na sina Rex Salme, 59 anyos, at kanyang anak na si Bobby, 34 anyos –galing sa barangay hall para sa pagdinig kaugnay ng kanilang alitan sa lupa.

Ayon sa mga salaysay, nang dumaan si Salme na nakasakay sa kariton ng kalabaw, ininsulto umano siya ni Galope.

Dahil dito, agad inatake ng matandang suspek ang bitkima gamit ang bolo ngunit nagawang makatakbo.

Samantala, nakorner ang biktima ng nakababatang Salme na nakaupo sa motorsiko sa hindi kalayuan saka siya pinagtataga.

Agad dinala si Galope sa pagamutan kung saan siya idineklarang dead on arrival dahil sa 10 tama ng itak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon kay Peniero, nadakip si Bobby habang patuloy na nakalalaya ang kanyang ama.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang itak na ginamit sa pamamaslang.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …