Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
AJ Raval Sitio Diablo

AJ Raval reyna pa rin ng Vivamax; tumodo sa aksiyon at kama

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MULING pinatunayan ni AJ Raval na siya pa rin ang nag-iisang reyna ng Vivamax! Ito’y matapos mapatunayang kahit sa action film, kakasa siya. 

Ibang AJ ang mapapanood sa mapangahas na action film ni Roman Perez Jr, ang Sitio Diablo  na mapapanood na simula Agosto 26 sa Vivamax.

Matagal nang pangarap ni AJ na mag-aksiyon katulad ng kanyang amang si Jeric Raval kaya hindi na kami nagtaka na kaya ng aktres na gumalaw-barako. Kuwento nga niya, bata pa lang siya’y sinasanay na siya ng kanyang ama sumipa at sumuntok. At ito’y naipakita niya sa pelikula na ang kuwento ay ukol sa kaliwa’t kanang gang wars at iba’t ibang klase ng krimen, ito ang araw-araw na buhay sa Sitio Diablo, ang buhay na kinasanayan ni Aina (AJ). Galing sa pamilya ng mga gang leader, hindi na bago kay Aina na kumita ng pera galing sa pagnanakaw, droga, mga ilegal na armas, pati sa pagpatay. Malaking impluwensiya sa kanya ang yumaong ama at nakulong na kapatid na si Tonix (Benz Sangalang), na naging leader ng Los Hijos Diablos, ang pinaka-notorious at kinatatakutang gang sa kanilang lugar. 

Nagkatawanan naman sa isang eksenang lumabas si AJ na two months pregnant. Kasi naman nababalita ang aktres na nabuntis umano ni Aljur Abrenica.  Kaya tsika ng isang kasamahang manunulat, “buntis pala talaga si AJ…sa pelikula. Ginamit na publicity?! Ha ha ha.”

Kasama rin si Kiko Estrada (Bullet) lider ng Illustrado gang at kinakasama ni Aina. Pero ang kanilang maikling pamumuno ay agad na naharap sa problema dahil nalaman nila ang tungkol sa paglaya ni Tonix at ang plano nitong pagbawi sa kanyang trono bilang pinaka-kinatatakutang gang leader. 

Ang Sitio Diablo ay isang sexy-action film kaya naman todo-bigay din sina AJ at Kiko sa kanilang maiinit na eksena na hindi kinaya ng tatay ng aktres na mapanood.  

Samantala gusto naming palakpakan ang mahusay na pagganap ni Benz na kapatid ni AJ at lider ng Diablos. May karakter o angas si Benz kaya bagay sa kanya ang kontrabida role kompara sa paggawa niya ng mga sexy film. Maayos din ang pagkakaganap nina Karl Aquino na kasama ni Kiko sa gang at  Because na bagamat rapper ay mahusay umarte.

Sa pelikulang ito’y pinatutunayan ni AJ kung bakit siya ang most sought-after sexy actress mula sa mga top-rated niyang Vivamax Originals kagaya ng Paglaki ko, Gusto Ko Maging Pornstar, Crush kong Curly, Death of a Girlfriend, Kaliwaan, Taya, Hugas, at Iskandalo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …