Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cloe Barreto Marco Gomez

Cloe kayang panindigan ang kaseksihan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISANG maalab, mapusok, marahas ang ipakikita nina Cloe Barreto, Marco Gomez, Chloe Jenna, Ava Mendez, Milana Ikimoto, at Ava Mendez sa mga eksenang nangyayari sa loob ng isang adult internet site. At lahat nang iyan ay mapapanood sa Vivamax movie na #DoYouThinkIAmSEXYsimula September 9.

Unang nagkasama sina Cloe at Marco sa isang Joel Lamangan movie na Silab at dito pa lang nakitaan na ng katapangan ang dalawa nang itodo nila ang kaseksihan sa kanilang mga eksena.  

Si Cloe ay gumaganap bilang si Charlize, nagtatrabaho bilang content creator para masustentuhan ang kanyang pag-aaral.  Elle ang gamit niyang pangalan dito.  Masugid siyang sinusubaybayan ni Trystan (Marco). Gustong-gusto ni Trystan ang mga erotic video ni Elle.  Laking gulat ng dalawa nang magkita sila sa eskuwelahan na teacher ni Charlize si Trystan. Hirap na nga sa klase si Charlize ay pagsasamantalahan pa ito ni Trystan. Para makaganti, lahat ng pantasya ni Trystan ay pagbibigyan ni Charlize, pero sa kabila ng ligayang naghihintay may malupit na parusa.  

Ang #DOYOUTHINKIAMSEXY ay mula sa panulat at direksiyon ni Dennis N. Marasigan na nakatanggap ng parangal na Best Screenplay mula sa Cinemalaya Independent Film Festival at Golden Screen Awards.

Sa kabilang banda, confident si Cloe na sexy siya dahil marami ang nagnanasa sa kanya. Pero hindi rin pala siya nakaligtas na maranasan ang body shaming.

Pagtatapat ng aktres, dumaan siya sa pangungutya ng ibang tao lalo noong lumaki at medyo tumaba siya. At imbes na maapektuhan naging challenge pa ito sa kanya para magpursige na pagandahin ang katawan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo para ma-maintain ang kaseksihan.

Pero walang balak na magparetoke si Cloe at wala siyang against sa mga nagpapagawa o nagpapa-enchance ng kanilang hitsura.

Ang kay Cloe, sapat na sa kanya ang anumang ibinigay ng nasa Itaas. Ang mahalaga sa kanya ay masaya siya at blessed sa lahat ng anumang ibinibigay sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …