Saturday , November 23 2024
Lee Jung Jae Hunt Cannes

Bida ng Squid Game muling pabibilibin ang mga Pinoy sa pelikulang Hunt

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

PAGKATAPOS maging household name hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo dahil sa pagiging bida niya sa hit Netflix original series na Squid Game, muling pabibilibin ng South Korean actor na si Lee Jung Jae ang mga Pinoy sa kanyang pinagbibidahang pelikulang Hunt, na siya rin ang nagdirehe at nagsulat ng istorya.

Ang Hunt, na nag-number one sa South Korea box-office, ay isang spy action movie na nagkaroon ng world premiere at naimbitahan sa non-competitive Midnight Screening section ng 2022 Cannes Film Festival. Tungkol ito sa dalawang Korean Central Intelligence Agency unit chiefs na sina Park Pyong-ho (Lee Jung Jae) at Kim Jung-do (Jung Woo Sung) na naatasang hanapin ang mole o spy sa loob ng ahensiya na may kinalaman sa planong assassination sa South Korean president. Pero kagulat-gulat ang mga pangyayari at twist sa istorya na dapat abangan.

Sa interview kay Lee bilang director at lead actor ng Hunt, natanong siya kung ano ang kaibahan nito sa ibang spy action movies?

Of course spectacular action sequences play an important part in the film, but I also wanted to make sure that the audience’s attention was held by a story that had plot twists within plot twists, and to be invested in how the two characters decide on their fates. I wanted to make a film that is filled with large and small plot twists that reinforce each other, creating great tension,” paliwanag ni Lee.

Ang Hunt ang directorial debut ng award-winning actor na si Lee. Kumusta ang naging karanasan niya sa pagdidirehe at paano niya idinirehe ang co-actors niya sa pelikula?

Since you’re an actor who plays characters, I’m sure your experience influenced the way you directed the cast. What was your focal point when directing them? 

In my experience, if the situations depicted in the script are convincing, and the set feels realistic, my performance will be very natural. But if that is not the case, I try to follow the director’s intent as much as possible. During pre-production rehearsals and table reads, there were instances where I edited the dialogue and blocking based on feedback from the cast, while at other times, I had to convince the cast with reason and logic even if the scene felt uncomfortable to them. In acting, reason and logic have to be concise so that the actor can freely emote, and I know that very well.”

Ayon pa kay Lee, sana magustuhan ng mga manonood ang bago niyang handog na Hunt pagkatapos ng world wide success ng Squid Game. “Although the espionage story develops at a rapid pace, the plot is not very complicated. I hope you enjoy your time watching this film.”

Distributed in the Philippines by Glimmer Inc. of Grace Lee, ang Hunt ay ipalalabas sa 100 cinemas nationwide simula sa August 31, 2022.

About Glen Sibonga

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …