Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rodriguez Rizal RSITG

SITG binuo
2 SA 4 BANGKAY SA KOTSE, KILALA NA

BINUO ang isang Special Investigation Task Group (SITG) matapos kilalanin ang dalawa sa apat na biktima ng salvage sa bayan ng Rodriguez (Montalban), sa lalawigan ng Rizal, na natagpuan nitong Lunes ng umaga, 22 Agosto .

Sa ulat ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PPO Provincial Director, kay PRO4-A PNP Regional Director P/BGen. Jose Nartatez, Jr., kinilala ang dalawa sa mga biktimang sina Robert Ryan Amarillo, 40 anyos, tubong Vigan, Ilocos Sur, residente sa lungsod ng Lucena; at Carl Pabalan, 51 anyos, tubong Negros Occidental, residente sa bayan ng Tayabas, pawang sa lalawigan ng Quezon.

Matatandaang natagpuan kamakalawa ng umaga ang duguang katawan ng mga biktima sa loob ng isang kotse sa naturang lugar.

Dahil dito, binuo ng pulisya ang Rizal Special Investigation Task Group (RSITG) sa pangunguna ni P/Col. Baccay at ng hepe ng Rodriquez MPS na si P/Lt. Col. Marcelino Pipo, Jr., upang matukoy ang pagkakakilanlan ng dalawa pang biktimang babae at maaresto ang mga suspek. (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …