Friday , November 15 2024
Laguna PPO PCol Cecilio Ison, Jr School

Pulisya nakiisa sa unang araw ng Balik Eskwela 2022-2023

SA PAKIKIPAGTULUNGAN ng pulisya para sa unang araw ng Balik Eskwela, nagtalaga ng mga elemento ang mga awtoridad bilang tulong para sa ligtas na seguridad.

Dumalo at nakiisa si Laguna PPO Provincial Director P/Col. Cecilio Ison, Jr.,  sa pagsasagawa ng unang Flag Raising Ceremony at pagbubukas ng face-to-face classes para sa school year 2022-2023.

Personal na nagtungo si P/Col. Ison sa inilunsad na Oplan Ligtas Balik-Eskwela upang matiyak na mababantayan, mailalatag, at maipababatid ang mga paghahanda at pagtulong sa seguridad at kaayusan.

Pahayag ni P/Col. Ison, “Ang buong pulisya ng Laguna bilang lingkod-bayan saan man ay maaasahan ninyong tutulong at magbibigay ng buong suporta sa pamayanan. Ang ating paglalatag ng Oplan Ligtas Balik-Eskwela ay isang paraan ng pagsubaybay at pakikiisa sa platapormang edukasyon ng pagbabago na hatid ay pag-unlad at kinabukasan ng kabataan at pamayanan.  (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …