INIHAYAG ni Maria Carina Bautista principal ng Baclaran Central Elementary School, susunod sila sa direktiba ng Department of Education (DepEd) na walang tatanggihang estudyanteng nais mag-enrol sa kanilang paaralan.
Ayon sa principal kakaunti ang nag-enrol sa kanilang eskuwelahan ngunit nagulat siya kahapon, Sa unang araw ng face-to-face classes ay dumagsa ang mga magulang kasama ang kanilang mga anak na nais mag-enroll.
Binigyan diin ni Bautista, mahigpit pa rin ang ipinaiiral na health protocols para na rin sa kaligtasan ng mga mag-aaral laban sa banta ng CoVid-19.
Ang Baclaran Central Elementary School ay may kapasidad na 1,500 mag-aaral ngunit mapilitan silang gawing 50 mula sa 40 mag-aaral sa bawat classroom kung patuloy na madaragdagan ang enrollees sa nasabing eskuwelahan.
Dagdag ng principal, nag-request na siya ng karagdagang guro para matugunan ang biglang pagdami ng mga mag-aaral. (GINA GARCIA)