Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arnell Ignacio

Arnell ‘di matatawaran track record sa public service 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KILALA at ka-Facebook ko si Arnell Ignacio kaya aware ako sa mga ginagawa niyang pagtulong. Pero hindi pa man naitatalaga si Arnell sa anumang posisyon sa gobyerno, kilala na siya sa pagiging matulungin.

Kaya naman hindi na kataka-taka na nang mabigyan ng posisyon sa PAGCOR eh, marami na siyang natutulungan. Hindi na nga matatawaran ang kanyang dedikasyon at pagmamahal sa kanyang trabaho. At mula sa PAGCOR hanggang sa OWWA bilang isang Deputy Director, hinangaan si Arnell sa kanyang nagawa para sa ating mga OFW.

Hindi na mabilang ang mga natulungan niya sa mga migranteng manggagawa. Nagpupunta mismo si Arnell sa mga bansa sa Middle East para personal na alamin ang kalagayan ng ating mga kababayan doon.

Nariyang nakikipag-usap siya sa mga dayuhang opisyal sa mga nasabing bansa para ipaliwanag ang kaibahan ng ating kultura at magkasundo kung paano pa palalakasin ang ating ugnayan para maiwasan ang mga suliranin o mabawasan ito.

Ilang mga kababayan din natin na nasa kulungan na sa Middle East ay nailabas at napalaya ni Arnell sa pamamagitan ng diplomasya at pakikipag-usap sa mga banyagang opisyales.

Iba kasing mag-isip si Arnell at masasabing “out-of-the-box” ang kanyang pamamaraan sa paglutas ng mga kaso at problema ng ating mga kababayan.

Kaya nga sa tuwing kausap namin ito wala siyang bukambibig sa kung paano pa niya maiaabot ang tulong sa mga kababayan nating nangangailangan nito. Talagang ang dedikasyon ni Arnell para makatulong ay nariyan.

Kaya sadyang natagpuan na ni Arnell ang kanyang lugar sa mundo ng ating mga OFW kung kaya naman na-appoint siya bilang bagong Administrator ng OWWA kamakailan ni Pangulong Bongbong Marcos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …