Thursday , December 26 2024
SPEEd

Eugene Asis ng People’s Journal bagong pangulo ng SPEEd

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PORMAL nang inihayag ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang pag-upo ng bago nitong pangulong si Eugene Asis, entertainment editor ng People’s Journal.

Siya ang pumalit sa puwesto ng dating pangulo ng SPEEd na si Ian Farinas, entertainment editor ng People’s Tonight at Taliba na limang taon ding nagsilbi bilang presidente ng grupo.

Nagsimula ang SPEEd bilang isang social club ng mga entertainment editor mula sa iba’t ibang national broadsheet at ng mga nangungunang tabloid sa Pilipinas.

Naging opisyal ang pagkakabuo ng grupo dahil na rin sa kagustuhan at pagpupursige ni Asis at ng president emeritus ng grupo, ang yumaong entertainment editor ng Manila Standard na si Isah Red, na makatulong sa industriya ng pelikula.

Nito ngang nakaraang linggo, ipinasa na ng immediate past president ng SPEEd na si Farinas ang kanyang posisyon kay Asis upang ipagpatuloy ang mga nasimulang adhikain at mga makabuluhang proyekto ng organisasyon. 

Kabilang na nga rito ang pagtulong at pagsuporta sa movie industry pati na rin sa lahat ng mga indibidwal at grupo na walang sawang nagtataguyod sa kapakanan ng mga taga-industriya.

Nagsimula ang karera ng bagong pangulo ng SPEEd sa pamamahayag noong dekada ‘80 bilang writer sa Kislap, Liwayway, Jingle Extra Hot, at Orig Magazine na una siyang naging editor taong 1982. 

Mula 1990 hanggang sa kasalukuyan ay nagsisilbi siyang editor ng entertainment section ng People’s Journal. 

Bukod sa pagsusulat, nagdirehe rin si Asis ng ilang pelikula at naging host din noon ng mga showbiz oriented TV shows tulad ng Channel S at Movie Magazine na umere noon sa GMA Network.

Isa sa mga nasa top priority ngayon ng bagong SPEEd president ay ang 5th edition ng The Eddys o The Entertainment Editors’ Choice awards na nakatakdang maganap sa Nobyembre.

Samantala, ang iba pang opisyal ng SPEEd ay ang mga sumusunod: Tessa Mauricio-Arriola (The Manila Times), Vice President External; Salve Asis (Pilipino Star Ngayon at Pang-Masa), Vice President-Internal; Maricris Valdez-Nicasio (Hataw), Secretary; Gie Trillana (Malaya Business Insight), Asst. Secretary; Dondon Sermino (Abante), Treasurer; Dinah Ventura (Daily Tribune), Asst. Treasurer; Nickie Wang (The Manila Standard) at Ervin Santiago (Bandera) PRO; at Nestor Cuartero (Tempo), director at advisor. 

Ang iba pang miyembro ng grupo ay sina Rito Asilo (Inquirer), Jerry Olea (Philippine Entertainment Portal), Rohn Romulo (People’s Balita), at Neil Ramos (Tempo).

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …