Monday , December 8 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

Buhay na buhay na naman ang mga ilegal

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

NOONG administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, daming natakot gumawa ng krimen. Ngayon nagsulputan na naman ang masasamang elemento, gaya ng mga mandurukot, holdaper, at mga rapist.

Kamay na bakal ang ginamit ng dating Pangulo, sana isentro rin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang kanyang atensiyon sa paglaganap ng iba’t ibang krimen sa bansa.

Sa Baclaran, ang daming nabibiktima muli ng mga mandurukot, sa Pasay Rotonda ay ganoon din. Ano na ang ginagawa ng pulisya? Dahil muling naglipana ang mga vendor, sa tong collections nakasentro ang pulis?

‘DI NA MAAWAT AT HINDI NA KAYA

Sa Muzon, San Jose del Monte, kapansin- pansin na kapag may mga nagtatrapik na enforcers, mas lalong humihigpit ang daloy ng mga sasakyan. Kaya naman sabi ng mga driver, pribado man o pampubliko, bigyan daw ng ibang trabaho ni Mayor Arthur Robes ang mga itinalagang traffic enforcers dahil hindi nakakatulong sa trapiko. Sa halip ay lalong humahaba ang pila ng mga sasakyan na natatrapik.

Katulad ng ginagawa ng DPWH sa kahabaan ng Roxas Blvd., laking perhuwisyo! Kailan ba matatapos ‘yan! Hukay dito, hukay doon! Bakit ba hindi sa gabi gawin!

***

Belated happy Birthday kina Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano at kay Parañaque City District 1 Congressman Edwin L. Olivarez. Continue your public service to your constituents! Both of you are no.1 sa inyong mga siyudad, wala akong masabi sa inyong kakayahan bilang public servant.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …