Monday , February 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alex Castro Sunshine Garcia-Castro

Pagpapasuso ng ina at karapatan ng mga bata, isinusulong sa Bulacan

ITINAMPOK ang kahalagahan ng pagpapasuso ng ina at karapatan ng mga bata sa idinaos na Child Development Workers in Emergencies sa selebrasyon ng COVID-19 cum Breastfeeding Awareness Month sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Lungsod ng Malolos, Bulacan kamakalawa.

Binigyang diin ng breastfeeding advocate na si Gng. Lyn Sunshine G. Castro, maybahay ni Bise Gob. Alexis C. Castro at siyang panauhing pandangal, maraming benepisyong dulot ang pagpapasuso sa sanggol, hindi lamang para sa bata kundi maging sa ina.

“Sa kabila po ng mga pagsubok na aking pinagdaanan sa aking pagiging ina, hindi ko po kailanman naisip na sagabal o problema ang pagpapasuso sa aking anak. Gusto ko po talagang magpa-breastfeed dahil bukod sa mas masustansiya ito, mas matipid din po ito,” pagbabahagi ni Castro sa may 949 child development workers.

Aniya, nagiging matatag din ang pisikal at mental na kalusugan ng ina kapag siya ay nagpapasuso at mas pinatitibay ang ugnayan ng ina at sanggol.

Tulad ni Castro, naniniwala rin si Gob. Daniel R. Fernando sa kahalagahan ng breastfeeding.

“Naniniwala po ako na ang gatas ng ina ang the bestna gatas para sa mga sanggol. Mas nagiging malusog po ang mga sanggol gayondin ang mga nanay. Nais ko rin pong bigyang pugay ang ating mga child development worker dahil sa kanilang patuloy na pagtataguyod sa mga programa para sa mga bata tulad nitong breastfeeding campaign at children’s rights. Mabuhay po kayo,” ani Fernando.

Samantala, idinaos din sa kaparehong araw ang awarding ceremony ng 2022 Mutya ng Buntis Season 6 at CDW Folk Dance Competition, na ang mga nagwagi ay tumanggap ng perang gantimpala, bulaklak, plake o tropeo.

Kabilang sa mga nagwagi sina Erika Intia Javier mula sa Marilao bilang 2022 Mutya ng Buntis at Best in Talent; First Runner up si Reenalyn Pricones mula sa Plaridel; Second Runner Up si Ysa Ysabel Padilla Hipolito ng Bocaue at Best in Gown si Kriztel Cruz ng San Ildefonso. Tatanggap ng consolation prize ang 18 munisipalidad.

Para sa Virtual Folk Dance Competition, nasungkit ang unang pwesto ng CDW ng Guiguinto na nag- uwi ng P10,000; ikalawang puwesto ang CDW ng Pulilan na tumanggap ng P7,000 habang wagi  sa ikatlong puwesto ang CDW ng Norzagaray na nagwagi ng 5,000. Sampung kalahok naman ang tumanggap ng tig-P3,000 bilang consolation prize.

Katuwang ng programang ito ang Provincial Council for the Protection of Children, PDRRMC, Provincial Nutrition Committee sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office.

Gayondin, nagkaroon ng oryentasyon para sa Paghahanda sa Kalamidad na tinalakay ni Clarita Libiran, pinuno ng dibisyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) habang nagbigay ng mahahalagang impormasyon para sa COVID-19 at Dengue Updates si Patricia Alvaro ng Bulacan Public Health Office. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

SM Chinese New Year Valentines Day

Love, Luck & Longevity
Gallop into the Year of the Horse with SM Supermalls

It’s time to share love and good fortune at SM Supermalls as Chinese New Year …

SM Green Recycling Machines PET bottles

Feed Your Empty PET Bottles into SM’s New Green Recycling Machines
GR Machines deployed in SM Malls nationwide set to make recycling easy, fun, and rewarding

Your empty PET bottles have somewhere better to go than landfills—and SM is taking them …

human trafficking

29 nasagip sa human trafficking

NASAGIP ng mga awtoridad ang 29 biktima ng human trafficking, kabilang ang 5 menor de …

Bacoor Cavite Police PNP

2 Chinese nasakote sa kidnapping

DINAKIP sa bisa ng warrant operations ang dalawang Chinese national, kamakalawa ng hapon sa Bacoor …

San Rafael, Bulacan

Rape suspect ng menor de edad kinalawit

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Brgy. Cruz na Daan, San Rafael, Bulacan …